Cebu, isinailalim na sa state of calamity

Cebu, isinailalim na sa state of calamity

March 26, 2019 @ 6:48 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsiya ng Cebu nitong Lunes dahil sa epekto ng ‘weak El Niño’.

Batay sa ulat, inaprubahan ng provincial council ang rekomendasyon ng local disaster risk reduction and management office matapos masira ang iba’t ibang pananim dahil sa kakulangan ng ulan.

Dahil sa kakulangan sa sapat na irigasyon ng tubig sa mga sakahan, naapektohan ang produksyon ng bigas at mais sa probinsiya.

Binigyang diin naman ng mga awtoridad na ang suplay ng potable water ay nananatiling ‘stable’.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang ilang bahagi ng bansa ay makararanas ng iba’t ibang temperatura ng tag-init mula Marso hanggang Hunto dahil sa epekto ng ‘weak El Niño’./Remate News Team