Cebu Pacific, may bagong ‘hand-carry’ policy

Cebu Pacific, may bagong ‘hand-carry’ policy

July 14, 2018 @ 10:45 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Naglabas na ng bagong ‘hand carry’ policy ang Cebu Pacific na kanilang istriktong ipatutupad simula sa July 17, 2018.

Sa kanilang advisory, kung dati ay pinapayagan nilang hanggang sampung kilo ang hand-carry bag kada isan gpasahero, ngayon ay nasa pitong kilo na lang ang pwede.

“Passengers are allowed one carry-on or hand-carry baggage inside the cabin, with a maximum weight of seven kilograms and dimension of 56cm x 36cm x 23 centimeters for Airbus flights and 56cm x 35cm x 20cm for ATR flights. In addition to one carry-on baggage, each passenger may also bring a laptop in its own bag or a handbag,” ayon sa advisory.

Samantala, para naman sa mga pasaherong may bitbit na baby, papayagan silang magdala ng isang carry-on baby bag at isang hand-carry baggage.

Layunin ng nasabing polisiya na gawing mabilis ang pagpasok ng mga pasahero at paglabas pagdating sa kanilang destinasyon.

Ang nabagong polisiya ang bahagi ng pagsasaayos ng serbisyo ng Cebu Pacific. (Remate News Team)