Cebu ports balik-operasyon na

Cebu ports balik-operasyon na

October 30, 2022 @ 4:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Balik na sa normal na operasyon ang mga port sa Cebu, kasunod ng halos dalawang araw na trip suspensions dahil sa Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).

Sa abiso, sinabi ng Cebu Port Authority na lahat ng port sa nasabing lugar ay balik-normal na at umarangkada na muli ang vessel trips.

Inihayag ng Cebu Port Authority na hanggang nitong Linggo ng hapon, ilang pasahero ang naghihintay ng boarding procedures para sa mga biyahe patungong Bohol, Siquijor, Dumaguete, at Plaridel. RNT/SA