Cebu province may pinakamaraming bilang ng ‘unvaccinated’ vs COVID-19 sa Pinas

Cebu province may pinakamaraming bilang ng ‘unvaccinated’ vs COVID-19 sa Pinas

March 31, 2022 @ 12:00 PM 3 months ago


CEBU CITY- Sa ikaapat na ‘special COVID-19 vaccination days’ sa bansa, tinutukan ang ilang lugar kasama ang Cebu na may pinakamababang coronavirus disease (COVID-19) vaccination coverage rates.

Ito ay dahil ang probinsya ng Cebu ang ang may pinakamataas na bilang ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, ayon sa mga opisyal ng pamahalaan.

“As of now, Cebu province has the highest number of unvaccinated sa buong Pilipinas,” ani Dr. Keiza Rosario, co-leader of the National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Martes.

“Sa Central Visayas po may mga provinces tayo na medyo mataas pa yung unvaccinated doon. So we are focusing lately sa Cebu province…We are estimating na around 1 million pa mga unvaccinated ay mga kababayan natin sa Cebu province,” dagdag pa niya.

Sinimulan ng gobyerno nitong Miyerkules ang isa pang round ng special vaccination sa mga piling lugar sa Central Visayas at BARMM kung saan marami pa ang hindi nababakunahan. RNT/SA