Cedula, ibasura – Salceda

Cedula, ibasura – Salceda

January 26, 2021 @ 3:40 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Albay Rep. Joey Salceda ang isang komprehensibong panukala upang mabawasan ang pagpo-proseso ng mga papeles sa gobyerno.

Kabilang sa nais ni Salceda, chairman House Ways and Means Chairman na matanggal ang pagbabayad ng cedula, bawasan ang proseso ng business registration ng hanggang isang araw lamang at dapat accessible sa buong bansa ang social services kabilang ang PhilHealth, SSS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at iba pang social programs.

Ang House Bill No. 8455 o  Government Services Modernization Bill, ay magsusulong na mabawasan ang proseso ng mga papeles sa gobyerno maging ang halos doble-dobleng dokumento.

“The cedula has become obsolete for almost all intents and purposes. It’s time we phase it out, as it adds nearly an entire day to most government transactions that require it. The cedula was established when the use of government identification cards was not yet widespread. That is no longer the case. As a government requirement, punitin na natin ang cedula,” giit pa ng kongresista.

Sa ilalim ng panuka ay bibigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng bansa na suspendihin ang Community Tax Certification o cedula sa alinmang transaksyon sa pamahalaan.

“The cedula has been found to be an inadequate form of identification and an ineffective tool for local government collection, and is hence redundant in most occasions,” ani Salceda.

Ginagamit ang cedula batay sa nakasaad sa Local Government Code (LGC) Section 163 kung magpapa-notario, kung manunumpa sa tungkulin matapos manalo sa eleksyon o kapag naitalaga ng gobyerno, kung kukuha ng mga lisensya o permit mula sa ahensya ng gobyerno, kung tatanggap ng pera mula sa public fund, pakikipagtransaksyong opisyal at pagtanggap ng sahod mula sa isang tao o korporasyon.

“The cedula is obviously redundant for all of these transactions. It’s time for it to go.”

Isinusulong din ni Salceda sa panukala na magamit ang National ID System sa pagkuha ng social benefits na karaniwan aniyang napupulitika dahil kailangan pa itong dumaan sa LGU dahil katulad na lang aniya na ang mga sa mahihirap na sektor ay nahihirapang makinabang sa social programs dahil sa mahal ng pamasahe sa pag-aasyos ng mga papeles.

“My office did a study. When a business registers, it interacts with at least 10 government offices. That’s too much. Our plan is simple: one single business registration agency. No overlapping registrations. The registration agency will take care of processing it with other agencies. But once your requirements are complete with the registration agency, tapos ka na. You are as good as registered,” binigyang diin pa ni Salceda. Meliza Maluntag