Celebrities, nilayasan ang GC sa bangayan nina Janno at Kitkat!

Celebrities, nilayasan ang GC sa bangayan nina Janno at Kitkat!

December 9, 2021 @ 3:30 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Just when you thought na tapos na ang isyu between Janno Gibbs at Kitkat Favia, heto na naman at nabuhay ang bangayan sa dalawang dating hosts ng isang programa sa Net 25 kung saan sila natsugi.

Sa group chat kasi ng grupong “COVIDyante” kung saan parehong miyembro ang dalawa, muling nagkasagutan ang mga ito.

Nagsimula ito nang ibinahagi ni Gene Padilla ang  tungkol sa kanyang hindi kaaya-ayang karanasan sa  isang artist na nagpapatulong sa kanyang magkaroon ng raket pero kalaunan ay na-bad-mouth siya nito.

Nakisimpatiya naman si Kitkat kay Gene at sinabing na-experience rin daw niya iyon.

Aniya, naranasan na rin daw niya na mamura ng kapwa niya artista na mas batikan sa kanya.

Hindi naman nagustuhan ni Janno ang tinuran ni Kitkat dahil feeling nito ay siya ang pinariringgan ng comedienne kaya nag-komento ito na: “Pero mas may topak pa rin si Kitkat diyan!” na sinegundahan pa ng: “May mga baguhan talagang walang respeto sa mga senior actors.”

Nag-react naman si Kitkat kay Janno lalo pa’t direkta nitong binanggit ang kanyang pangalan sa group chat.

“Alam ng lahat ang topak mo! Wag ako! @Janno isa kang BASTOS na matanda!” resbak ni Kitkat.

Dahil daw sa sagutan, maraming nadismaya sa palitan ng maaanghang na mga salita at napilitang umalis sa group chat sina Paolo Contis, Mitoy Yonting, Gene Padilla at marami pang iba.

Sa pangyayaring ito, may kibitzers na nagsasabing hindi na magkakabati ang dalawa lalo pa’t kapwa hindi pa sila nakaka-move on sa kanilang naging away noong magkasama pa sila sa  defunct noontime show na “Happy Time” na sad ang naging ending. Archie Liao