Celebrity Doctor na kinasuhan ng rape, nakapagpiyansa

Celebrity Doctor na kinasuhan ng rape, nakapagpiyansa

July 13, 2018 @ 6:16 PM 4 years ago


Mandaluyong City – Nakapagpiyansa na ang celebrity doctor na si Joel Mendez matapos maaresto sa kasong rape at attempted rape, Huwebes ng gabi.

READ MORE: Celebrity Doctor, timbog sa kasong panggagahasa

Ayon sa Mandaluyong Police Station, kaagad na nakapagbayad si Mendez ng P120,000 sa tatlong kasong ipinataw sa kanya: 2 counts of rape at attempted rape.

Tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye ang kampo ni Mendez sa pagkakaaresto ng doctor.

Napag-alaman din na may standing arrest warrant din ang cosmetic surgeon dahil sa pagkabigo nitong mag-remit ng contribution ng kanyang mga empleyado sa Social Security System (SSS). (Remate News Team)