Celebrity Doctor, timbog sa kasong panggagahasa

Celebrity Doctor, timbog sa kasong panggagahasa

July 13, 2018 @ 5:02 PM 5 years ago


 

Mandaluyong City – Kalaboso ang isang celebrity doctor surgeon makaraang arestuhin ng Mandaluyong police dakong alas-11:30 ng gabi sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director, PS/Supt. Bernabe Balba, inaresto ang suspek na si Dr. Joel Cortez Mendez sa dalawang kaso ng panggagahasa at tangkang panggahasa.

Matapos ang ilang buwang pagtatago ng doktor ay nakorner ng pinagsamang elemento ng Intelligence Unit, Tactical Motorcycle Rider, WCPD at Mobile Patrol Unit ng Mandaluyong CPS sa 2000 BSA Twin Tower Basement sa Ortigas Center.

Bitbit ng mga awtoridad ang mandamiento de arresto na inilabas ni Hon. Imelda L. Portes-Saulog ng RTC Branch 214 na may kasong kriminal # MC16-4800-FC para sa pagtatangkang panggagahasa, Criminal case # MC- 4801-FC at MC-16-4802FC para sa panggagahasa.

Ayon kay EPD PIO, PO3 Catherine M. Deligente, ilang buwan din isinagawang surveillance at stakeout operation sa celebrity doctor bago tuluyang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad.

Sa ngayon, ang doktor ay nasa ng kustodiya ng Custodial and Detention Unit ng Mandaluyong City Police Station. (Toto Nabaja)