Celtics handa na sa do-or-die Game 6 vs Warriors

Celtics handa na sa do-or-die Game 6 vs Warriors

June 16, 2022 @ 1:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa bingit ng pagkabigo ang Boston Celtics sa pagsabak nila sa Game 6 ng NBA Finals, ngunit nangako ang Celtics star na si Jaylen Brown na hindi sila aatras laban sa Golden State Warriors at pipilitin nilang umabot sa Game 7 ang bakbakan.”Inaasahan namin ang hamon,” ani ni Brown.

“Kailangan namin itong yakapin. Wala nang ibang paraan. Huling laro sa aming home floor para maisama ang aming buong season.”We’re looking to give it everything we have. Hindi kami natatakot. We don’t fear the Golden State Warriors. We want to come out and play the best version of basketball that we can,” hirit ni Brown.

Isang panalo na lang kailangan ng Warriors upang maitarak ang kanilang ikaapat na titulo sa loob ng walong taon nang talunin nila sa Game 5 ang Boston sa iskor na 104-94 na ginanap sa San Francisco noong Martes.

Ang Warriors star na si Stephen Curry ay nagkaroon ng isang pambihirang off-night ngunit ang dating No. 1 draft pick na si Andrew Wiggins ang kumamada ng 26 puntos, humakot ng 13 rebounds at nakagawa ng dalawang steals at isang block habang nakuha ng Golden State isang 3-2 series lead.

Ang Celtics, samantala, ay nagtala ng 18 turnovers, isang bagay na hindi nila dapat gawin ngayong Biyernes kung nais nilang umabot pa sa Game 7 ang laban.

Sinabi ni Brown na ang hindi magandang simula ng Boston sa season ay magpapatatag sa koponan sa mabuting kalagayan ngayon habang sinusubukan nilang makabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo.

“Everything has been a learning experience,” sabi ni Brown tungkol sa isang season na nakita ang Celtics na humihina sa ilalim ng .500 sa kalahating punto.JC