Celtics itinumba ang Bulls; Lakers tambak sa Nuggets

Celtics itinumba ang Bulls; Lakers tambak sa Nuggets

January 16, 2022 @ 1:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Dinurog ng Boston Celtics ang Chicago Bulls sa kanilang mainit na bakbakan sa Eastern Conference, 114-110 na ginana sa TD Garden.

Nanguna para sa Centics ang sentrong si Robert Williams III at sa pamamagitan ng kanyang 2 free throws ay  itinabla nito ang laban na may 31 segundo sa orasan, 112-112.  Bago matapos ang 9 segundo nagbalik sa free throw si Williams para sundan ang mintis ni DeMar De Rozan.

 Namuno rin sa Boston  ang All-Star na si Jayson Tatum sa 23 puntos at 12 rebound habang si Jaylen Brown ay may 19 puntos.   Pumangalawa sa East ang Brooklyn Nets, 120-105 na panalo kontra New Orleans Pelicans. Nang manakit ang tuhod ni Kevin Durant  sa 5:38 ng nalalabing 2nd quarter ay nanguna sina James Harden sa 27 puntos, Patty Mills, 21 at Cam Thomas, 20.

 Pinababa ng 76ers ang ranggong segunda ng Miami Heat, 109-98 mula sa 32 puntos ni Joel Embiid. Naka-30 puntos si Pascal Siakam para talunin ng Toronto Raptors ang World Champion Milwaukee Bucks, 103-96, habang 27 puntos at 18 assist si Darius Garland upang maging susi sa 107-102 tagumpay ng Cleveland Cavaliers sa Oklahoma City Thunder.

 Sa Western Conference, dinurog ng 37 puntos ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers, 133-96.  Triple double si MVP Nikola Jokic na 17 puntos, 12 rebound at 13 assist upang suportahan ang mainit na laro nina rookie Bones Hyland na may 27 puntos at Jeff Green na may 26 puntos.

 Wagi ang Portland Trail Blazers sa Washington Wizards, 115-110, at New York Knicks sa Atlanta Hawks, 117-108.  Hindi nagpahuli ang San Antonio Spurs at pinatahimik ang LA Clippers, 101-94, habang wagi ang Dallas Mavericks sa pinakakulelat sa NBA na Orlando Magic, 108-92.JC