Celtics Jersey ni Bill Russel nabili ng mahigit $1M

Celtics Jersey ni Bill Russel nabili ng mahigit $1M

December 11, 2021 @ 3:35 PM 10 months ago


MANILA, Philipppines – Nabenta sa auction ang jersey na isinuot ni Boston Celtics legend Bill Russell noong huling laro niya sa NBA at nagkakahalaga ito ng  $1,116,250 mula sa memorabilia na koleksiyon ng basketball legend at civil rights icon, ayon sa Hunt Auctions.

Ang number 6 jersey ay isinuot ni Russell sa game 7 ng 1969 NBA Finals, ang final game ng kanyang career.

Tinalo ng Celtics ang Los Angeles Lakers 108-106 noong Mayo 5, 1969 sa The Forum sa Los Angeles at nasungkit ni Russell ang ika-11 at  final NBA title ng kanyang career.

Ang jersey, na may katabing dalawang larawan habang naglalaro si Russell kasama rin ang coach na si Red Auerbach na nakaupo naman sa locker room ng Celtics ay naging mainit sa bidding sa U.S. at iba pang bansa, ani David Hunt.

Isang malaking karangalan kay Hunt na pangunahan ang live auction sa Celtics TD Garden sa Boston at ang status ni Russell ang umakit sa napakagandang presyo.

Kabilang sina Hall of Famers Charles Barkley at Shaquille O’Neal ang nagkainteres na bilhin ang items.

“The record setting performance attained at the Bill Russell Collection live auction was astounding, yet not surprising,” ani Hunt. “To properly convey the significance of Bill Russell as an athlete, a champion of Civil Rights, and a towering figure in the history of American sports is impossible.” JC