Celtics nakaungos sa Heat

Celtics nakaungos sa Heat

May 26, 2022 @ 1:12 PM 1 month ago


MIAMI — Isang panalo na lang at makakapasok na sa NBA finals ang Boston Celtics matapos talunin sa Game 5 ang Miami Heat, 93-80, para manguna sa kartandang 3-2 sa ginaganap na Eastern Conference finals title series.

Sa naging panalo, kumamada ng 25 poins si Jaylen Brown, habang si Jayson Tatum ay umambag ng 22 para dalhin ang kanilang koponan sa bingit ng pagpasok sa NBA finals.

Umambag din si Al Horford  ng 16 points at tumulong si Derrick White ng 14 para sa Celtics.

Sa panig ng Miami, umiskor si Bam Adebayo ng  18 points at sumakmal ng 10 rebounds habang sina  Gabe Vincent, Jimmy Butler, at Duncan Robinson ay tumipa ng 15, 13, 11 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Gagawin ang Game 6 sa Boston at inaasahang tatapusin na ng Celtics ang serye upang tuluyan nang tumapak sa NBA finals.JC