Celtics sibak sa Bucks

Celtics sibak sa Bucks

August 1, 2020 @ 9:49 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Lake Buena Vista, Florida – Umiskor si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo ng 36 points upang talunin ang Boston Celtics, 119-112, sa ikalawang araw ng muling pagsiklab ng National Basketball Association (NBA) sa Bubble sa Walt Disney Facility sa Florida, USA.

Nakumpleto ng reigning league MVP ang three-point play matapos ang offensive foul ni Marcus Smart sa huling segundo ng laro para makuha ang kalamangan at pangunahan sa panalo ang Bucks.

Sa ibang laro, nanguna si Porland Trail Blazers star CJ McCollum sa iskor na 33 points para gibain sa overtime ang Memphis Grizzlies, 140-135.

Umambag naman sa panalo si Damian Lillard ng 29 points at nine assists dahilan para mabigyan ng pag-asa na makapasok muli sa playoffs ang Portland sa ikapitong sunod-sunod na appearance. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...