Center Justin Chua ibinenta ng Phoenix sa NLEX

Center Justin Chua ibinenta ng Phoenix sa NLEX

February 24, 2022 @ 12:57 PM 4 months ago


MANILA, Philippines -Nakatakdang makipaghiwalay ang Phoenix Super LPG sa big man na si Justin Chua dahil ipinagpalit ng Fuel Masters ang 6-foot-6 slotman sa NLEX sa gitna ng nagpapatuloy na 2021 PBA Governors’ Cup.

Sa pamamagitan ng pagpapadala kay Chua, makukuna ng Phoenix si Kris Porter kasama ang dalawang draft pick sa hinaharap, kabilang ang Season 47 second-round pick at Season 48 first-round pick.

Ang kaganapan ay kinumpirma ni NLEX team managers Paolo Bugia at Ronald Dulatre ngayong araw ng Huwebes.

“Oo. Maaga naming isinumite ang proposed trade deal ngayon para umabot sa trading deadline,” ani Dulatre sa isang maikling mensahe.

Ang pagdating ni Chua sa kampo ng NLEX ay magiging malaking tulong dahil ang Road Warriors ay patungo na sa playoff round.

Nagposte ang 32-anyos na si Chua ng averages na 5.25 points at 2.50 rebounds sa walong laro na kanyang nilaro para sa Phoenix sa season-ending conference.

Tinanghal din siya bilang Defensive Player of the Year noong 2020 Philippine Cup.

Ang Phoenix ay kasalukuyang nasa 4-4 para sa ikaanim na puwesto, habang ang NLEX ay nasa solong ikatlong puwesto na may 6-3 karta sa likod ng mga lider ng Magnolia at Meralco.Rico Navarro