Centino bagong AFP chief-of-staff

Centino bagong AFP chief-of-staff

January 8, 2023 @ 8:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gen. Andres Centino bilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pinalitan ni Centino si Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

Si Centino, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988, ay nagsilbi bilang AFP chief mula Nobyembre 12, 2021 hanggang Agosto 8, 2022. Si Bacarro ay miyembro rin ng PMA Class 1988 at isang Medal of Valor awardee.

“As chief-of-staff, Centino implemented four major thrusts within the AFP which are operational efficiency, optimal use of resources, advancement of professionalism and meritocracy within the organization and capability development,” ayon kay Presidential Communications Office officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil.

Sa ilalim ng termino ni Centino bilang chief-of-staff, matagumpay na inilunsad ng AFP ang military campaigns para labanan ang insurgents at local terrorist groups na nagresulta ng pagkakalansag ng guerrilla fronts.

Pinangunahan din ni Centino ang lahat ng units ng AFP sa buong bansa sa pagsusulong ng mapayapa at maayos na pagsasagawa ng Philippine 2022 national at local elections.

“Centino also pushed for the completion of capability projects as part of the modernization of the AFP,” ayon kay Garafil.

Bago pa itinalaga si Centino bilang AFP chief, nagsilbi muna siya bilang Philippine Army chief mula Mayo 14, 2021 hanggang Disyembre 10, 2021.

Ang iba pa niyang assignments ay naging commander ng 4th Infantry Division, AFP deputy-chief-of-staff for operations o J-3 sa military parlance at pinuno ng 401st Infantry Brigade.

Si Centino ay nagtapos sa Philippine Military Academy o PMA Class of 1988.

Siya ay kumuha ng Master’s in Business Management sa University of the Philippines, Master’s in National Resource Strategy sa National Defense University sa Washington, D.C, at mayroong certificate in the Strategic Business Economic Program sa University of Asia and the Pacific. Kris Jose