Central Luzon uulanin sa habagat

Central Luzon uulanin sa habagat

August 11, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto sa western section ng Central Luzon ang habagat ngayong Huwebes, iniulat ng PAGASA.

Bunsod nito, ang Bataan, Zambales, at Kalayaan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Sumikat ang araw bandang 5:42 a.m., at lulubog ito mamayang 6:21 p.m. RNT