Central, South Luzon uulanin sa Habagat

Central, South Luzon uulanin sa Habagat

August 8, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang Habagat sa Central at Southern Luzon sa Lunes at magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa, anang PAGASA sa pagtataya ng panahon.

Ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring magresulta dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng monsoon at localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding bagyo, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Sumikat ang araw alas-5:41 ng umaga habang lulubog ito alas-6:23 ng gabi. RNT