Central Visayas police director, ni-relieve mula sa pwesto

Central Visayas police director, ni-relieve mula sa pwesto

December 20, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ni-relieve si Brigadier General Roderick Augustus Alba bilang regional director ng Central Visayas Police matapos lamang ang dalawang buwan sa opisina.

Inisyu ang Camp Crame ang special order nitong Lunes, kung saan nakapaloob na agad na ire-reassign si sa Police’s Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD).

Hindi naman nakapaloob sa dokumento kung ano ang rason ng reassignment ni Alba.

Sa maikling panunugkulan niya sa police regional office sa Region 7, ipinagpatuloy ni Alba ang kampanya laban sa iligal na droga at ipinag-utos sa lahat ng police chiefs na maging transparent at makipag-ugnayan sa publiko sa pamamagitan ng arawang anunsyo sa social media.

Nito lamang nakaraang linggo, isa si Alba sa mga lumagda sa Memorandum of Agreement kay Cebu Gov. Gwen Garcia sa pangunguna sa localized war on drugs.

Si B/Gen. Jerry Fornaleza Beariz na police regional director ng Central Luzon ang papalit kay Alba, habang si DHRDD director B/Gen. Alexander Camilon Tagum ay magiging police regional office director sa Davao Region, batay sa order.

Ang special order ay nilagdaan ni Major General Michael John Dubria, acting chief ng directorial staff,  para kay Philippine National Police Chief Rodolfo Azurin Jr. RNT/SA