Ceremonial lighting sa bagong navigational lantern sa Batanes, isinagawa

Ceremonial lighting sa bagong navigational lantern sa Batanes, isinagawa

December 9, 2022 @ 6:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinagawa na ngayong hapon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ceremonial lighting ng apat na navigational lantern sa baybaying nasasakupan ng Batanes.

Ayon sa PCG, alas 4:30 ngayong hapon sinimulan ang pagpapailaw sa navigational lantern na ikinabit sa Sabtang, Ivana, Mahatao, at Valanga sa Batanes.

Ang navigational lantern na ito ay magsisilbing gabay ng mga motorbancas at barko upang matiyak ang kanilang ligtas na pagdaan at pagpasok sa mga daungan.

Sa nasabing aktibidad, nais ipahatid ng PCG sa mga residente ng Batanes na katuwang nila ang PCG sa pagsisigurong ligtas ang bawat mangingisda at marinong naglalayag sa malawak na katubigan ng probinsya.

Pinangunahan ni PCG Commandant CG Admiral Artemio M. Abu nasabing aktibidad at siya mismo ang nagparating ng pangakong ito sa ating mga kababayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden