Cesar bilang Marcos Sr. at Diego bilang BBM, pinagtaasan ng kilay!

Cesar bilang Marcos Sr. at Diego bilang BBM, pinagtaasan ng kilay!

June 16, 2022 @ 9:09 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sa kanyang FB page, inanunsyo na ng batang direktor na si Darryl Yap ang mga gaganap sa kanyang bagong pelikulang “Maid in Malacanang”, na hindi pa man nasisimulan ay sinasabing tiyak na pag-uusapan.

Ang magaling na actor na si Cesar Montano ang gaganap bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos samantalang ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez naman ang napisil na magbigay-buhay sa katauhan ng kanyang dating First Lady na si Imelda Romualdez Marcos.

Ani Direk Darryl, marami raw ang nag-suggest sa kanya ng mga pangalan nina Alice Dixson, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto o kayaý Lucy Torres para gampanan ang papel ni Imelda pero, sa huli, nakita niya na mas swak sa role kay Ruffa na siya ring personal choice niya.

Si Diego Loyzaga naman ang choice ni Direk Darryl para mag-portray sa role ng incoming president na si Bongbong Marcos.

May mga mahadera namang nagtataas ang kilay dahil tila miscast daw ang mag-amang Cesar at Diego to play the said roles.

Huling iconic role kasi na ginampanan ni Cesar ay ang papel ni Dr. Jose Rizal samantalang malayo raw naman sa features ni Bongbong si Diego.

At dahil tumatalakay ito sa last 72 hours ng Marcos family sa Malacanang bago sila napatalsik, hindi siyempre mawawala na magkaroon ng guessing game kung sino ang gaganap bilang Imee at Irene, mga mga kapatid ni BBM sa pelikula.

Sey ng iba, bagay daw sa role ni Irene si Ai Ai delas Alas dahil magkahugis daw ang kanilang mga mukha samantalang ang role ni Irene ay puwede raw sa stage-actress na si Isay Alvarez na isa ring BBM supporter.

Incidentally, sina Cristine Reyes at Ella Cruz ang napiling gaganap bilang Imee at Irene sa naturang obra ni Direk Darryl.

Sa ngayon, naghahanap pa rin si Direk Darryl ng gaganap na maid sa pelikula na siyang central character sa kanyang bagong proyekto. Archie Liao