Cesar, may mensahe kay Sunshine sa split-up kay Macky!

Cesar, may mensahe kay Sunshine sa split-up kay Macky!

October 21, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi nakaligtas sa kaalaman ni Cesar Montano na hiwalay na ang ex-wife na si Sunshine Cruz sa nobyo nitong si Macky Mathay.

Gayunpaman, Cesar declined to comment on the breakup.

Bilang tugon sa tanong ni Dolly Anne Carvajal, ani Cesar: “I am in no position to comment on their breakup since it’s their story and not mine.”

Pero hindi rin nakatiis si Cesar na hindi magbigay ng mensahe sa ina ng kanilang tatlong anak.

Aniya, “Whatever she is going through right now, I wish her well. I want her to be happy.”

May katwiran daw kung bakit nais niyang maging maligaya si Sunshine.

Paglilinaw ni Cesar, “Because her happiness will rub off on our children.”

At hindi nga nagkamali ang aktor.

Sa magkasunod na birthday celebrations ng kanilang dalawang anak ay masaya si Sunshine na nakipag-bonding sa nobya ni Cesar na si Kath Angeles.

Nagkaroon pa sila ng dance showdown.

Kapansin-pansin din ang tuwa ng mga anak nina Cesar at Sunshine in the company of the actor’s kids with Kath.

Meanwhile, wala pang latest post si Sunshine tungkol sa ex-boyfriend na si Macky and vice versa.

Pero binati ng isa sa mga anak ng aktres ng happy birthday si Macky kamakailan. Ronnie Carrasco III