Cesista humakot ng 8 gold medals sa FINISH National Finals

Cesista humakot ng 8 gold medals sa FINISH National Finals

August 21, 2022 @ 1:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinirang na  most bemedalled swimmer  si Arriana June Cesista  matapos walisin ang walong nilahukang events sa pagtatapos  ng 2022 FINIS Short Course Swimming National Finals nitong Linggo sa New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Ang ipinagmamalaki ng Tombod Integrated School sa Villasis  Pangasinan,  kinatawan ang Thresher Shark Swim Team ay dominante sa kanyang laban sa girls 7-8 class  50-m butterfly (50.52)kontra Zavrinah Pailagao ng Sweetdolphins (51.39); 100-m backstroke (1:43.31) laban kay Teof Velez ng Northmin Stars (2:03.04) at 50-m breast (53.50) laban kina Zavrinah Pailagan (59.87) at Violette Chavez (1:04.15) sa event na inorganisa ng FINIS Philippines.

Nauna nang nadomina ni Cesista ang mga laro sa opening Day nitong  Sabado sa pagwawagi ng gintong medalya sa 100-m Individual Medley (1:44.60), 100-m butterfly (2:01.43); 50-m backstroke (49.72); 100-m breaststroke (2:00.11), at 50-m freestyle (44.60).

Nagdagdag naman ang Davao Del Norte homegrown na si Czarina Cavite ng isang ginto at isang pilak na medalya sa girls 9-10 class matapos manguna sa 50-m butterfly sa oras na 40.94 segundo bago pumangalawa sa 50-m breast (45.84) na napanalunan ni Reese Tacuboy (43.63). ). Ang 10 taong gulang na tanker na kumakatawan sa DavNor Blue Marlins Swim Team ang naging unang triple gold medalist sa morning session nitong Sabado nang magtagumpay sa 100-m IM (1:28.83), 100-m butterfly (1:32.29) at 50 -m freestyle (35.41).

Kasama ni Garcia si Capas, Tarlac Mayor Roseller Rodriguez sa paggawad ng mga medalya at tropeo sa nangungunang tatlong overall team champion kung saan inihayag din ng una ang planong magdaos ng mas malalaking torneo sa susunod na taon kasama na ang Long Course Championship na may parehong format ng event.

“Actually, yung commitment ng FINIS hindi natatapos sa swimming.  Sa Setyembre  isasagawa natin ang  Kids Thriathlon dito sa Clark, habang ang dalawang  tournament –Triathlon at Aquathlon – ang isasagawa sa  Digos City ay inilipat nitong Oktubre. We’re also collaborating with Congressman Eric Buhain to start the Open Swim event in Batangas,” ani Garcia.JC