Cessna crash site sa Isabela narating na ng rescuers

Cessna crash site sa Isabela narating na ng rescuers

March 11, 2023 @ 11:53 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Narating na ng team na inatasan na i-retrive ang mga labi ng mga pasahero ng Cessna plane na bumagsak sa Isabela noong Enero ang crash site noong Sabado ng umaga, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa isang pahayag.

The retrieval team arrived at the crash site today around 8 a.m.,” ayon sa PDRRMO. “The rain and the slippery slopes slowed them.”

“The remains of the pilot and the five passengers will be respectfully placed in large plastic bags and then into the cadaver bags. The bodies will be carried down the mountain and to Divilacan proper as soon as possible,” dagdag pa ng PDDRMO.

Noong Marso 9 lang nang matagpuan ang nawawalang Cessna plane sa Barangay Ditarum, Divilacan, Isabela base sa impormasyong mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Enero 24 ito naiulat na nawawala. RNT