Cessna plane nawawala sa Isabela

Cessna plane nawawala sa Isabela

January 25, 2023 @ 8:46 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Nawawala ang isang six-seater na Cessna 206 plane isang oras matapos lumipad sa Cauayan Domestic Airport sa Barangay San Fermin sa lungsod na ito Martes ng hapon, Enero 24, sinabi ng mga awtoridad.

Ang Cessna, na may tail number na RPC 1174, ay lumipad noong 2:16 p.m. at patungo sa baybaying bayan ng Maconacon nang mawala.

Ayon sa mga tauhan ng paliparan, dadating sana ang eroplano sa Maconacon airport alas-tres ng hapon.

Ang mga pangalan ng piloto at ang limang pasahero ay hindi pa inilalabas.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT