CGMA bagong House Speaker

CGMA bagong House Speaker

July 24, 2018 @ 7:20 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines –Ā Sa botong 184 na pabor at 12 abstention hinirang ng mga mambabatas si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong House Speaker kapalit ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Matapos ang isinagawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpulong ang mga pro CGMA congressmen upang itama ang proseso ng pagpapalit ng House leadership.

Nagkaroon ng roll call at nang magkaroon ng quorum ay itinuloy ang pagdedeklara sa House Speaker bilang bakanteng posisyon at tanging si Arroyo ang syang kandidato.

Ayon kay Camarines Sur Rep Rolando Andaya ang kanilang ginawang sesyon ay upang itama ang naunang ginawang pagpapalit ng liderato na unang kinuwestiying inbalido dahil wala ang house mace at wala ding audio nang magkaroon ng botohan at oathtaking.

Sa ikalawang pagkakataon ay tiniyak ng mga mambabatas na mayroong house mace sa rostrum at may audio sa loob mg plenary upang maging maayos ang proseso.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang mambabatas kay Arroyo na kauna unahang babaeng House Speaker. (Gail Medoza)