Cha-cha ‘necessary but not sufficient’ vs korapsyon – Quimbo

Cha-cha ‘necessary but not sufficient’ vs korapsyon – Quimbo

February 19, 2023 @ 9:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinakailangan ngunit hindi sapat ang pag-amyenda sa 1987 Constitution para labanan ang korapsyon sa bansa, ayon kay Marikina City Representative Stella Quimbo nitong Sabado, Pebrero 18.

Ito ang naging tugon ni Quimbo nang tanungin kung paano masosolusyunan ng pag-amyenda sa Konstitusyon ang problema sa korapsyon sa bansa, kasabay ng isang public consultation on constitutional reform sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

“It is necessary, but not sufficient. Hindi ibig sabihin na kapag inamyendahan natin ang Constitution magically mawawala ang lahat ng problema ng ating bayan. Hindi kami delusional dito na ganoon ang mangyayari, ang sa amin lang it is really the first step,” ani Quimbo, senior vice chairperson ng House appropriations committee.

“It is really opening the doors and giving them the opportunity to actually come in and participate in our economy and find marketing opportunities and at the same time by doing so we benefit, so ganoon po ang direction ganoon ang iniisip natin sa paghain ng panukala,” dagdag pa niya.

Batid ng mambabatas na matinding problema ang korapsyon sa bansa, sabay sabing maaari namang magpasa ng iba pang batas ang Kongreso para resolbahin ito.

“Yung corruption malaking problema, sa ngayon we have the Office of Ombudsman. But there could be other laws that Congress can pass, kapag kulang pa [yung] enabling laws na related po dito kung saan matutuldukan natin ang corruption,” aniya.

“Sa totoo lang po hindi sa pag-amyenda ng Constitution ay talagang masosolusyunan yan directly,” pagpapatuloy ni Quimbo.

Nauna nang sinabi kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang Charter change, sa kabila ng pagsasabi ni House committee on constitutional amendments panel chairperson Rufus Rodriguez na magpapatuloy ang public consultations patungkol dito, dahil ang Kongreso ay isang “an independent branch of government.”

Nagsagawa na ng public consultations ang panel sa Cagayan de Oro, Iloilo, at Pampanga. RNT/JGC