‘Cha-Cha parang COVID-19, palaging nabubuhay muli – Drilon

‘Cha-Cha parang COVID-19, palaging nabubuhay muli – Drilon

July 28, 2021 @ 5:06 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inihalintulad ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa coronavirus 2019 (COVID-19) ang isyu ng charter change na palaging nabubuhay kahit matagal na itong “pinatay.”

Sa  pahayag, sinabi ni Drilon na ganito ang kanyang  paglalarawan sa charter change na binuhay muli sa Mababang Kapulungan ilang araw matapos ang huling state of the nation address (SONA) ni Pangulong Duterte.

“Cha-cha is like the COVID-19 virus that resurrects regularly,” ayon kay Drilon.

Ayon kay Drilon, kahit mismo si Pangulong Duterte ay nakakaalam na “dead on arrival” ang charter change sa Senado kaya hindi nito binanggit ang pagpapalit o pag-amyenda sa Saligang Batas sa kanyang SONA.

“The President delivered the longest SONA in the post-EDSA era for a total duration of two hours and 45 minutes. That’s the longest that I can remember. Not one minute was devoted to Cha-cha,” ayon kay Drilon.

Sinabi ni Drilon na kahit itinalaga ni Pangulong Dutere ang mahahalagang porsiyon ng kanyang speech sa paghimok sa Kongreso na bigyang prayoridad ang ilang panukalang batas sa susunod na 12 buwan, direktang hindi binanggit ang charter change.

“The signal is clear: in the last year of Duterte, he will not dance the cha-cha,” ayon kay  Drilon.

Binanggit din ni Drilon na  kahit sa nakalipas na tatlong SONA, hindi rin binanggit ni Duterte ang cha-cha.

Ayon sa lider ng minorya,  isinusulong na charter change sa Kamara ay magdadagdag ng pariralang “unless otherwise provided by law,” sa economic provisions  ng Saligang Batas na ibig sabihin kailangan pang gumawa ng batas ang Kongreso hinggil dito.

Iginiit ni Drilon na hindi kailangan ang economic cha-cha bilang pangunahing obhektibo na makakamit natin ang pagsasabatas ng ilang panukalang pang-ekonomiya na kasalukuyang nakabinbin sa Kongreso.

“The liberalization of the investment climate can be achieved in the major sectors of our economy by the enactment of the proposed amendments to the Public Service Act, the Retail Trade Liberalization Act, the Foreign Investment Act, and the other economic bills in the LEDAC list,” giit ni Drilon.

Ayon kay Drilon, pangunahing awtor ng panukalang pag-aamyenda sa Public Service Act at  Retail Trade Liberalization Act, kabilang ang Foreign Investment Act, ay aaprubahan ng Senado sa susunod na linggo.

“The immediate passage of these measures will help address a number of foreign investment roadblocks and hasten our economic recovery,” aniya.

“No chance that the Senators will dance the ‘economic cha-cha’ in the remaining months of the 18th Congress. Dancing the cha-cha is not in the Senate’s agenda,” dagdag ni Drilon. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •