Cha-Cha talakayin na sa 2023

Cha-Cha talakayin na sa 2023

January 23, 2023 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Suportado ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang hakbang ng House Leadership na talakayin na ngayong 2023 ang usapin sa Charter Change.

“We welcome the decision of the House leadership to put on the fast lane, along with the remaining priority bills drawn up by the Congress and President [Ferdinand ‘Bongbong’] Marcos [Jr.] last October, separate proposals to at last reform the 1987 Constitution,” pahayag ni Villafuerte.

“It’s about time to introduce changes to the antiquated and inapt provisions of our 1987 Charter, which has long been crying for reforms,” giit pa nito.

Sa kasaluyan ay umuusad na sa Committee on Constitutional Amendments sa pamumuno ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang usapin sa Cha-Cha kung saan nagkaroon na ito ng preliminary meeting noong nakaraang taon at ngayong pagbabalik ng sesyon ay sisimulan na ang marathon hearing na itinakda simula Enero 26.

“The clamor for Charter Change has always been relevant,” pahayag ni Villafuerte na syang may akda ng House Bill (HB) No. 4926 na nagsusulong na magkaroon ng Constitutional Convention (Con-Con) sa pagbabago ng Saligang Batas. Gail Mendoza