Cha-cha tatalakayin ng Senado, Kamara sa sunod na linggo

Cha-cha tatalakayin ng Senado, Kamara sa sunod na linggo

March 18, 2023 @ 11:48 AM 5 days ago


MANILA, Philippines- Tatalakayin ng mga senador at kongresista sa Lunes ang magkaibang sentimyento hinggil sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Pabor si Senator Robinhood C. Padilla, chairman ng Senate constitutional amendment committee, sa Constituent Assembly (Con Ass), na kinabibilangan ng mga kasalukuyang miyembro ng Senado.

Nais naman ni Rep. Rufus Rodriguez, counterpart ni Padilla, ng Constitutional Convention (Con Con) kung saan kailangang ihalal ang mga delegado sa kumbensyon.

Sinabi ni Padilla na iimbitahan ang mga Senador sa two-day meeting kasama ang Rodriguez panel.

Aarangkada ang public hearing sa loob ng dalawnag araw– Lunes at Miyerkules.

Nilalayon ng resolusyon ni Padilla na amyendahan ang restrictive economic provisions ng Konstitusyon.

Bukas naman sa pag-amyenda sa ilang probisyon sa Konstitusyon ang House resolution. RNT/SA