Cha-cha diringgin na sa House plenary

Cha-cha diringgin na sa House plenary

February 23, 2023 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos aprubahan sa committee level, inakyat na sa House Plenary ang pagtalakay sa Charter Change.

Ang Resolution of Both Houses No. 6 na nagsusulong ng Constitutional Convention (con-con) para amyendahan ang 1987 Constitution ay sumalang na para sa sa deliberasyon ng plenaryo.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments, na ngayon na ang tamang panahon para sa Charter Change (Cha-Cha) na suportado ng lahat ng sektor base na rin sa kanilang isinawang public hearings.

“The result shows that out of 552 reactors and respondents, 424 or 77% are in favor, 109 or 20% are against and 19 or 3% abstained. In the mode preferences, 226 or 41% are for Constitutional Convention, 91 or 16% are for Constituent Assembly, 77 or 14% are for People’s Initiative and 158 expressed their no preference or 29%,” paliwanag ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ang kabuuang magagastos sa Charter Change ay nasa P6 Billion, sa nasabing halaga, nasa P1.5B dito ang ilalan para sa pagboto sa delegasyon at P3B ay para sa plebisito.

Iginiit ng solon na mahalaga ang pag-amyenda sa Saligang Batas para na rin sa ekonomiya ng bansa at makatugon sa akma ng panahon. Gail Mendoza