Chairman ng Samsung na si Lee Kun-hee, pumanaw na

Chairman ng Samsung na si Lee Kun-hee, pumanaw na

October 26, 2020 @ 1:45 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Pumanaw na ang chairman ng nangungunang electronics company na Samsung na si Lee Kun-hee sa edad na 78.

Pumanaw ito kahapon, Oktubre 25 kasama ng pamilya.

Wala pang pahayag ang pamilya ukol sa sanhi ng pagkamatay.

Siya ang dahilan ng tagumpay ng naturang kompanya bilang pinakamakapangyarihang technology brand sa buong mundo.

Isa rin siya sa pinakamayamang indibidwal sa South Korea.

Naging kontrobersyal din siya matapos mapatunayan sa kasong panunuhol sa dating president ng naturang bansang noong 1995, at tax evasion and embezzlement noong 2008.

Nabigyan naman ito ng pardon sa parehas na kaso. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...