#ChallengeAccepted: Alam mo ba ang challenge?

#ChallengeAccepted: Alam mo ba ang challenge?

July 30, 2020 @ 5:15 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nauuso ngayon ang #ChallengeAccepted sa mga social media sites kung saan nagpopost ng black and white na litrato ang lahat na karamihan ay mula sa mga kababaihan.

Ngunit alam niyo ba ang pinagmulan ng nagte-trending na challenge pati sa mga matatanda?

Nagsimula ito sa Turkey kung saan ginamit ito para itaas ang awareness ng lahat sa nararanasang diskriminasyon sa mga kababaihan.

Nabatid na umabot na sa halos 4.5 million post ang nasabing challenge sa Instagram kung saan kinabibilangan ito ng mga sikat na personalidad sa ibang bansa tulad nila Jennifer Lopez, Gabrielle Union, Jennifer Aniston, Tracee Ellis Ross, at Eva Longoria.

Sa kabila ng magandang hangarin ng nasabing challege, may mga tumuligsa pa rin dito gaya na lang ng isang host sa podcast sa Los Angeles na si Ali Segel.

Aniya, hindi sapat ang nasabing challege para iangat ang mga kababaihan sa kasalukuyang panahon.
“Im just saying… as women…could we possibly…equate empowerment….and solidarity…with more….than a selfie…..that is all.” pahayag ni Segel sa kanyang twitter post.

Pero sino ba ang hindi nakigaya sa #ChallengeAccepted na ito? maganda naman ang hangarin ng nasabing challege kaya why not? RNT/LF

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...