Inanunsiyo ni Chance the rapper na engaged na sila ng kaniyang longtime girlfriend at nanay ng kaniyang anak na si Kirsten Corley.
Nagproposed si Chancelor Bennett, totoo niyang pangala, kahapon sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Indepence day ng Amerika sa kanilang bakuran kasama ng kanilang mga mahal sa buhay.
“She said yes,” inanunsiyo ni Chance sa kaniyang Twitter kaninang umaga.
Sa video na ibinahagi ng media company na The Shade Room, makikita si Chance na tinanong ang kaniyang girlfriend na, “Kirsten Katrina Corley, will you make me a man and be my wife?”
Si Chance at ang kaniyang girlfriend ay magkasintahan na simula pa noong 2013 habang nagkaroon naman sila ng anak na si Kensli noong 2015.
Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalawa sa pagpapalaki sa kanilang anak. Noong February 2016, nagsumite si Corley ng petisyon para maging “sole caretaker” ng kaniyang anak at i-declare na si Chance ang ama nito. Humiling rin siya ng child support dahil si Kensli ay nakatira sa puder niya.
Noong March, nagsama na sa iisang bahay si Chance at si Corley kasama ng kanilang anak ngunit nung June ay hindi naghiwalay na muli sila at humingi ng “parenting schedule.”
Nagkaayos naman sila noong nakarang taon at hindi na itinuloy ni Corley ang petisyon para sa parenting schedule.
Simula noong, si Chance ay hindi na natigil si Chance sa pag-uupdate sa mga nangyayari sa kaniyang anak na sinundan ng kanilang engagement kahapon. (Remate News Team)