Chandelier earrings ni Catriona, pinagtripan!

Chandelier earrings ni Catriona, pinagtripan!

August 2, 2022 @ 6:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Agaw-eksena ang pares ng chandelier earrings na suot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Binibining Pilipinas coronation night.

Si Cat ang isa sa dalawang pageant hosts nito.

Kapansin-pansin ang suot niyang hikaw habang nagdedeliber ng opening spiels.

Isa si Vice Ganda sa mga nakapuna niyon. He posted, “Sana naghikaw si Catriona, ang plain eh!”

Ang iba pang reaksyon ay mga sumusunod:

“Wala pa bang lalaki diyan, mars?”

“Ako ang kinakabahan kay Catriona, baka mapigtas ang tenga niya.”

“Ang taray ng hikaw, puwedeng isabit sa kisame!”

“Parang ganyan ‘yung sa mayaman naming kapitbahay.”

“On a scale of 1 to 10, gaano kabigat ang dinadala mo sa buhay?”

Kung tutuusin, mas napansin ang hikaw ni Catriona kesa sa ganda ng suot niya.

In short, nakaka-distract ang mala-chandelier earrings na ‘yon. Ronnie Carrasco III