Channing Tatum at Jessie J, dating?

Channing Tatum at Jessie J, dating?

October 11, 2018 @ 4:45 PM 4 years ago


 

Hollywood –  Usap-usapan ngayon ng fans ang tila namumuong pag-iibigan sa pagitan ni Magic Mike hunk Channing Tatum at ng British singer na si Jessie J.

Ilang beses na kasi silang nakita ng fans at reporters na magkasama ng ilang buwan kasunod ng balitang paghihiwalay ng 38-actor at ng asawa nitong si Jenna Dewan noong Abril.

May mga fans na nakakita kina Channing at at Jessie J na magkasama sa concert sa Seattle at Salt Lake City.

Nai-spot-an din ang dalawa na naglalaro ng mini golf bago ang concert ni Jessie sa Seattle.

Matatandaang ikinasal si Channing kay Dewan noong 2009 matapos silang magkakilala sa Step Up at naging magnobyo noong 2006.

Halos 9 na taon ang itinagal ng buhay mag-asawa nina Tatum at Dewan kung saan biniyayaan sila ng isang anak. (Remate News Team)