Charlie, ‘wanted’ sa ex ni Carlo!

Charlie, ‘wanted’ sa ex ni Carlo!

January 9, 2023 @ 8:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Inuurot ng mga Marites ang Kapamilya actress na si Charlie Dizon kaugnay sa naging emote ng ex ni Carlo Aquino sa kanyang latest post.

Anila, “wanted” daw umano kay Trina Candaza ang actress.

Damay daw kasi ito sa muling panunumbalik ng ‘feud’ nito sa former live-in partner.

Maanghang kasi ang naging hanash ni Trina sa kanyang realizations for 2022.

Bagama’t wala itong direktang tinutukoy, obvious namang patama ito kay Carlo na ama ng kanyang anak.

May mga nagmamaldita pang nagsasabing nagselos daw umano ang ex ng aktor kay Charlie lalo pa’t naging ‘item’ ang kumalat na sitsit na may namumuong ‘something’ sa dalawa.

Sa kanyang post, nagpahayag ng disappointment si Trina sa lalakeng inakala niyang magpoprotekta sa kanya, na sa bandang huli pala’y una palang matutuwa na mawala sila ng anak sa poder nito.

Gayunpaman, nagpasalamat si Trina sa maraming blessings na dumating sa kanya sa kabila ng pagiging single parent niya kay Enola Mithi.

Dahil sa kanyang emote, nakasilip na naman ng anggulo ang mga Marites sa war ng mag-ex.

Lately, lalo na namang uminit ang mga mata ng maka-Trina kina Carlo at Charlie dahil sighted ang dalawa na naghahalo-halo sa isang snack bar sa La Union. Archie Liao