Charo, Katips, hakot-awards sa FAMAS!
August 1, 2022 @ 7:40 PM
1 week ago
Views:
205
Shyr Abarentos2022-08-01T18:37:43+08:00
Manila, Philippines – Woman of the night ang aktres at executive na si Charo Santos sa ginanap na 70th FAMAS Awards sa Metropolitan Theatre nitong Sabado, July 30, 2022.
Inuwi lang naman ni Charo ang Best Actress award sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” kung saan tinalo nito sina Sharon Cuneta, Janine Gutierrez, at Maja Salvador.
Bigating mga artista, sino ba naman ang hindi mapapa-wow?!
Samantala, naghakot ng sandamakmak na awards ang musical drama film na Katips kabilang na ang Best Pucture trophy. It is a musical film directed by Atty. Vince Tañada na kinilala naman bilang Best Director at Best Actor ng FAMAS!
Bukod dito, inuwi rin ni Johnrey Rivas, supporting actor sa Katips, ang Best Supporting Actor award.
In fairness, grabe ang pasabog this year sa FAMAS.
Narito ang listahan ng mga nag-uwi ng award sa 70th FAMAS:
-
Best Picture – Katips
-
Best Actress – Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)
-
Best Actor – Vince Tañada (Katips)
-
Best Supporting Actress – Janice de Belen (Big Night)
-
Best Supporting Actor – Johnrey Rivas (Katips)
-
Best Director – Vince Tañada (Katips)
-
Best Screenplay – Jun Lana (Big Night)
-
Best Cinematography – Katips
-
Best Editing – A Hard Day
-
Best Original Song – Sa Gitna Ng Gulo (Katips)
-
Best Musical Score – Katips
-
Best Sound – A Hard Day
-
Best Visual Effects – My Amanda. Paula Jonabelle Ignacio
August 10, 2022 @7:20 PM
Views:
1
Manila, Philippines – Kaabang-abang ang bagong pelikula nina Sean de Guzman at Cloe Barreto na ipalalabas sa Vivamax, ang The Influencer, ito’y mula sa pamamahala ng award-winning director na si Luisito Lagdameo Ignacio.
Ayon kay Sean, ito ang pinaka-daring na nagawa niyang pelikula. “Mas daring pa sa daring. Ito na siguro ang pinakamalalang pelikulang nagawa ko, malala as in malala talaga… pinaka-grabe! As in ibinigay ko na ang lahat, kasi ang ganda ng istorya, eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya.
“Kaya sobrang lala talaga ang nangyari sa mga character na kasama rito,” kuwento ni Sean.
Dagdag pa ng actor, “Ang movie po na The Influncer ay tungkol sa isang social media influncer na maraming fans, maraming nababaliw sa kanya. Hanggang sa may nakilala siyang babae… na iyon, na tinikman niya.
“Hanggang sa nagkaletse-letse na ang buhay niya, simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay niya.”
Sa pelikula ay nag-enjoy siya nang husto kay Cloe. Sa isang love scene nila ay nabanggit pa nga niyang ito ang pinakamasarap na naka-sex niya, ano ang masasabi niya rito?
“Ah… ibang ano iyon, parang ibang eksena naman iyon… Iyon ang dapat nilang panoorin, kasi, may ano riyan, e, may dapat silang abangan ng mga hindi nakakaalam na mga tao, na ganoon pala, kung bakit ganoon,” nakangiting esplika pa ni Sean.
Ang pelikula ay isinulat ni Quinn Carrillo, ang writer ng Tahan. Mapapanood ang The Influencer sa Vivamax simula August 12, 2022. Produced by 3:16 Media Network at Mentorque Productions, tampok din dito sina Ms. Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Tiffany Grey, at Quinn. Nonie Nicasio
August 10, 2022 @7:10 PM
Views:
7
Manila, Philippines – Bago magtapos ang buwang ito ng August ay opisyal nang magiging bahagi ng Unang Hirit ng GMA si Matteo Guidicelli.
Ang Unang Hirit ay ang early morning news program ng GMA.
May 22 taon nang nasa himpapawid ang UH.
Matatandaang nitong June nang pumutok ang balita tungkol sa paglipat ni Matteo sa Kapuso network.
Nabalitang nakikipagpulong siya sa network dahil sa pini-pitch niyang programa.
Sinabi pang isasama niya ang asawang si Sarah Geronimo, only to find out na nagbalik-ASAP ang Popstar Royalty.
Minsan nang itinanggi ng isang GMA executive ang paglipat ni Matteo pero ngayon ay kasado na ito.
Hindi bago kay Matteo ang larangan ng TV hosting.
Taong 2009 nang mag-host siya sa SOP, ang Sunday variety program ng GMA.
Nagkaroon din si Matteo ng hosting stint sa TV5.
Inaasahang may sariling segment si Matteo sa UH na lalo pang tatangkilikin ng mga manonood.
Susunod kaya si Sarah kung nasaan ang kanyang mister? Ronnie Carrasco III
August 10, 2022 @7:00 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong mga opisyal sa Department of Transportation (DOTr) at sa attached agency nito na Manila Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), ayon sa Malacañang.
Inihayag ng Transportation department nitong Miyerkules na pormal nang umupo sa pwesto si Jorjette Aquino bilang DOTr Assistant Secretary for Railways.
Samantala, si Federico Canar Jr., dating Light Rail Transit Authority official, ay nanumpa na rin bilang MRT-3 General Manager habang si Engr. Oscar Bongon ay nanumpa bilang bagong Director of Operations ng MRT-3.
Itinalaga naman si Bongon officer-in-charge MRT-3 Operations Director noong Hulyo.
sI DOTr Secretary Jaime Bautista ang nangasiwa sa swearing-in ceremony ng bagong talagang mga opisyal. RNT/SA
August 10, 2022 @6:45 PM
Views:
17
MANILA, Philippines- Kailangang ayusin ng pamahalaan ang mga hamon sa mass transportation sa pagtatalaga ng public utility vehicles gaya ng jeep at bus sa halip na cable cars, ayon sa minority lawmakers sa Kamara nitong Miyerkules.
Ito ang panawagan nina Gabriela party-list Representative Arlene Brosas at Agri party-list Representative Wilbert Lee bilang tugin sa pahayag ni Senator Robin Padilla na gumamit ng cable cars upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
“Hindi n’un masosolusyunan ang problema natin sa pagkakaroon ng mass transport system na mahusay. Ang kailangan talaga mabuksan ang mga sasakyan, mabuksan ang mga prangkisa ngayon, makabyahe ang jeepneys, bus, iyon ang kailangan ngayon. Hindi cable car,” sabi ni Brosas.
“They even told us before that electric bus…masosolusyunan raw ang problema, nasolusyunan ba ngayon? Lalong humaba ang pila sa MRT, LRT, hirap na hirap tayo makipag-unahan sa mga jeep na kakaunti ang nakakabyahe hanggang ngayon,” dagdag niya.
Inihayag din ni Brosas na kinakailangan ng cable car ng karagdagang resources, mas mainam na gamitin ang pondo para rito sa pagsasaayos ng kasalukuyang mass transport vehicles.
“Bakit hindi muna solusyunan na mapabyahe ‘yung mga hindi nakakabyahe ngayon na mass public transport?” aniya.
Sinabi naman ni Lee na ang pagtulong sa public utility drivers at operators ang pinakamainam na paraan upang makausad.
“We should heed the call of the jeepney drivers and operators who are yet to ply the roads,” ayon pa kay Lee.
Sang-ayon naman dito si Marissa del Mar ng OFW party-list.
“This is not the time for cable car. There are a lot of other problems that we should be addressing,” giit niya. RNT/SA
August 10, 2022 @6:30 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Suportado ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpasa ng HB No. 1709 o mas kilala bilang “An Act Defining and Declaring Vote-Buying as a Heinous Crime”, na isinusulong ni Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez, Jr.
Sa ilalim ng batas, ang election offense na vote-buying ay itataas bilang isang heinous crime o karumaldumal na krimen at itataas din ang kaparushan na magiging twenty (20) hanggang forty (40) years na pagkakakulong.
Inirekomenda rin ni Garcia na marebisa ang Section 261 ng Omnibus Election Code.
Dapat din ani Garcia na ma-update ang kahulugan ng vote-buying at vote-selling para makasabay sa pagbabago ng panahon at sitwasyon.
Ayon kay Garcia , kabilang rito ang pagsama ng mga katagang vote-buying/selling via online o over-the-air fund-transfers, internet cash transmittals at iba pang katulad na pamamaraan.
Naniniwala si Garcia na ang pag sasaayos ng depinisyon ng vote buying at selling ay mag bibigay daan sa mas maayos na imbestigasyon na magreresulta sa epektibong prosekyusyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden