Charter Change survey result, indikasyon na huwag itong ituloy- Rep. Villarin

Charter Change survey result, indikasyon na huwag itong ituloy- Rep. Villarin

July 16, 2018 @ 12:56 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay lumalabas na  67% ng mga Pinoy ang tutol sa pagbabago ng 1987 Constitution

Para sa ilang mambabatas, malinaw na mensahe na ito sa Duterte admInistration na huwag nang ituloy ang isinusulong na Federal form of government.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang mataas na numero na lumabas sa survey ay indikasyon na ang pagpapalit ng gobyerno sa Pederalismo ay inisyatibo at gusto lamang ng mga pulitiko at hindi ng taumbayan.

Giit naman ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na magsilbi na sanang paggising sa kasalukuyang administrasyon ang resulta ng mga survey na tutol ang taumbayan sa Pederalismo kaya mainam na huwag na itong paglaanan pa ng panahon.

Babala ni Villarin na kung ipipilit ng pamahalaan ang Federalismo ay tiyak na maglilikha ito ng dibisyon sa mga Pilipino, political instability, at economic crisis.

“The prevailing sentiment among Filipinos against Charter Change now is a knock on the head of a stubborn Duterte administration. All surveys are consistent that a big majority don’t want Charter Change now and in the future. Forcing the issue of Charter Change foments discord and creates political instability that compounds the economic crisis the administration created” paliwanag ni Villarin.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa sa pagitan ng June 15 hanggang 21 ay lumilitaw na 67% o 2 sa bawat 3 Filipino ang ayaw sa Charter Change habang 74% ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman sa Konstitusyon.

Sa nasabing ding survey ay 62 % ang nagsabing hindi sila pabor sa Pederalismo at 28% lamang ang pabor, samantala 69% ang walang alam kung bakit isinusulong ang Pederalismo at 31 ang nagsabing may kaunti silang nalalaman ukol sa Federal form of government. (Gail Mendoza)