Charter ng SBMA pinababago

Charter ng SBMA pinababago

January 20, 2023 @ 1:28 PM 7 days ago


MANILA, Philippines- Pinaamyendahan ni Bataan Rep Geraldine Roman ang Republic Act 7227 o ang Subic Bay Bases Conversion and Development Act of 1992 upang mas mapalakas administration and operational governance nito ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Layon ng inihaing Housse Bill 530 ni Roman na i-professionalize ang mga bumubuo ng Board of Directors ng SBMA at magdaragdag din ng seats para magkaroon ng kinatawan ang Local Government Units (LGU) at kinatawan mula sa Indigenous Peoples na naninirahan sa Subic Bay Freeport Zone gayundin ay tutukan ang bases conversion development.

“It is high time to incorporate provisions to professionalize the SBMA Board of Directors and also to ensure and strengthen the public safety and security of the free-port zone,” paliwanag ni Roman.

Sa ilalim ng panukala ay aamenyendahan at palalakasin ang revenue collection at tataasan ang nakukuhang shares ng Local Government Units (LGU) mula sa SMBA.

Sinabi ni Roman na noon pang 17th Congress natalakay sa Kamara ang pag-amyenda sa SBMA Act kaya umaasa sya na ngayong 19tth Congress ay bibigyang prayoridad ito ng House Leadership. Gail Mendoza