ChatGPT sumailalim sa US medical licensing exam

ChatGPT sumailalim sa US medical licensing exam

February 10, 2023 @ 9:49 AM 1 month ago


UNITED STATES – Sumailalim sa mahigpit na US medical licensing exam ang artificial intelligence system na ChatGPT.

Kasunod nito, nakakuha ang naturang AI system ng passing o near passing result.

“Reaching the passing score for this notoriously difficult expert exam, and doing so without any human reinforcement, marks a notable milestone in clinical AI maturation,” pagbabahagi ng mga may-akda ng pag-aaral na inilathala sa PLOS Digital Health journal.

“These results suggest that large language models may have the potential to assist with medical education, and potentially, clinical decision-making,” sinabi pa nila.

Ang ChatGPT ay bagong teknolohiya kung saan maaari nang makagawa ng essay, tula at programming code sa loob lamang ng ilang segundo.

Binuo ito ng California-based startup na itinatag noong 2015, ang OpenAI.

Noong 2019, isa ang Microsoft sa namuhunan ng $1 billion sa OpenAI at pumirma ng panibagong multi-billion deal sa nasabing kompanya.

Sa naturang pag-aaral para sukatin ang performance ng ChatGPT, nagkaroon ng three-part licensing exam na kinuha rin ng mga medical students at physicians-in-training sa Estados Unidos.

Kabilang sa standardized exam ay ang kaalaman sa iba’t ibang medical disciplines mula sa basic science hanggang sa biochemistry, diagnostic reasoning at bioethics.

Sinuri sa 350 ng 376 public questions ng 2022 version ng exam ang naturang AI system, at hindi ito sumailalim sa anumang pagsasanay bago ang naturang pagsusulit.

Kasunod nito, nagresulta ang ChatGPT sa score sa pagitan ng 52.4 percent at 75 percent sa tatlong bahagi ng exam.

Samantala, ang passing grade dito ay nasa 60%.

Ayon sa pag-aaral, ang unang bahagi ng exam na nakatutok sa basic science and pharmacology, ay karaniwang pinag-aaralan ng mga medical students ng 300 hanggang 400 oras.

Ang ikalawang bahagi naman ay karaniwang kinukuha ng mga
fourth-year medical students at nakatuon sa clinical reasoning, medical management at bioethics.

Sa huling bahagi naman ng pagsusulat, para naman ito sa mga manggagamot na nakakumpleto ng hanggang anim na buwan o isang taon ng postgraduate medical education.

ChatGPT may pass the exam, but Med-PaLM is able to give advice to patients that is as good as a professional GP,” sinabi ni Simon McCallum, senior lecturer ng software engineering sa Victoria University sa Wellington, New Zealand.

“Society is about to change, and instead of warning about the hypochondria of randomly searching the internet for symptoms, we may soon get our medical advice from Doctor Google or Nurse Bing.” RNT/JGC