Checkpoints ikakasa sa Pista ng Itim na Nazareno-MPD

Checkpoints ikakasa sa Pista ng Itim na Nazareno-MPD

December 29, 2022 @ 10:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinasapinal na ng Manila Police District ang security plan para sa Enero 9, 2023 — ang Kapistahan ng Quiapo.

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Andre Dizon, lahat ng city limits ay magkakaroon ng check points dahil bawal dalhin ang mga life sizes na imahe ng Itim na Nazareno.

Aniya, maari lamang dalhin ang mga maliliit na replica sa selebrasyon ng Poong Itim na Nazareno.

Sinabi naman ng Quiapo Church na mahalagang paigtingin ang pananampalataya habang papalapit ang Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno kahit nawala ang tradisyunal na Traslacion.

Muli namang nagpapaalala ang MPD na huwag nang magdala pa ng electronic device na may matutulis at matitigas na bagay.

Base sa iskedyul ng Quiapo church mula Dec 27,28, 29,  2022 isasagawa ang replica blessing  mula ala-1 ng hapon hanggang  alas-5 ng hapon sa Plaza Miranda.

Sa Dec. 31 magkakaroon ng motorcade procession alas 12 ng hatinggabi at iikot ang replica ng Nazareno sa paligid ng Quaipo church.

Habang sa Jan. 7 ng alas 12 ng hatinggabi ay magkakaroon ng misa para sa mga deboto sa Quirino Grandstand at bubuksan ang ng pila ng Pagpupugay imbes na Pahalik.

Magkakaroon din ng novena mass sa Enero 8.

Sa hatinggabi ng Jan. 8 isang misa ang idaraos bago simulan ang ‘Walk of faith’ na inaasahang magsisimula ala 1:30 ng madaling araw.

Mula alas 3 ng hapon ay sisimulan naman ang oras-oras na banal na misa para sa Kapistahan hanggang Jan.9 ng alas 11 ng gabi sa Quiapo church.

Sa mismong araw ng ng Kapisatahan sa Jan.9 magkakaroon naman ng misa mayor  na pamunuan ng kanyang kabunyian Jose cardinal F Advincula ,Arzobispo ng Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden