CHED chair De Vera nasapul ng COVID-19

CHED chair De Vera nasapul ng COVID-19

January 13, 2022 @ 6:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera III nitong Huwebes na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes, inilahad ni De Vera na tinamaan ang kanyang buong pamilya ng virus. “Ako ay naka-quarantine sa bahay at ang aking buong pamilya ay infected,” aniya.

Sa isang Facebook post noong Enero 6, inabisuhan ni De Vera ang mga nakasalamuha niya na magself-quarantine, at magpa-test.

“I am currently experiencing mild symptoms,” sabi niya.

Base pa kay De Vera, naturukan na siya ng booster shot laban sa COVID-19 noong Enero 3.  

Inihayag naman ni De Vera nitong Miyerkules na umaayos na ang kanyang pakiramdam.

Subalit aniya pa, patuloy niyang isinasagawa ang kanyang tungkulin sa CHED. RNT/SA