Chel Diokno tatakbo muling senador sa #Halalan2022

Chel Diokno tatakbo muling senador sa #Halalan2022

September 15, 2021 @ 7:32 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines—Ibinunyag ni human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno ang pagtakbo niyang muli sa pagka senador sa darating na eleksyon 2022 ngayong Miyerkoles.

Base sa kanyang tweet, ang hindi pagkakapantay-pantay na implementasyon ng batas, COVID-19 response, at pamamahala sa ekonomiya ng bansa ang nag-udyok sa kanyang pagtakbo muli.

“Yes, tatakbo ulit ako sa Senado. Napakaraming bagay ang hindi patas dito sa atin—sa batas, sa ekonomiya, sa mga patakaran sa COVID. Gawin nating mas makatarungan ang buhay ng mga Pilipino,” aniya.

Matatandaang unang tumakbo bilang senador si Diokno noong 2019 sa ilalim ng Partido Otso Diretso.

Isa umanong aral ang pagkatalo noong 2019, ayon kay Diokno.

Kilala si Diokno na founding dean ng De La Salle College of Law at chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG). RNT/RG


  •  
  •  
  •