Cherie Gil, nagpakalbo!

Cherie Gil, nagpakalbo!

February 6, 2022 @ 1:43 PM 8 months ago


 

Manila, Philippines – Sinorpresa ni Cherie Gil ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang bagong look.

She had her head shaven as she graces the cover of Mega, a lifestyle magazine.

Sa anniversary issue nito ay maraming ipinagtapat ang premyadong aktres partkular ang plano niyang pagtalikod sa showbiz, pagtira sa New York City at ang dahilan sa likod nito.

Admittedly scared sa bagong kabanatang ito ng kanyang buhay, nilinaw ni Cherie na natagpuan na niya ang “tools” in dealing with it: huwag ituon ang kanyang buhay sa takot.

Aniya, “First and foremost, I had to make sure that my mental, emotional and spiritual stress get to be prioritized. I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy so I sold everything and packed up.”

Maging ang mga dsamit niya’y dinispatsa rin niya, “I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over.”

Rebirth daw ang tawag niya roon.

Inamin niyang na-depress siya noon at sumailalim sa therapy at counseling, “When a woman is in distress, she cuts her hair.”

Inamin niyang na-depress siya noon at sumailalim sa therapy at counseling.

Wala raw isyu sa kanya kung talikuran man niya ang kanyang career which she built over the years. Ang mahalaga’y mas magkakaroon siya ng time with her kids.

Taliwas din daw sa sinasabi ng marami na mapera siya, ang totoo: “I won’t be surprised if I die a pauper, at least, I have lived a life.”

Good luck kay Cherie sa bagong yugtong ito ng kanyang buhay. Ronnie Carrasco III