Cherie, nagbigay ng premonition kay Sharon!

Cherie, nagbigay ng premonition kay Sharon!

August 7, 2022 @ 11:35 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Isang matatag na pagkakaibigan ang nabuo sa mga pangunahing bida sa pelikulang Sana’y Wala ng Wakas na sina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie at Cherie Gil.

Taong 1985 nang maging blockbuster ang nasabing Viva movie.

Kapwa inalala nina Sharon at Dina ang masasayang araw na pinagsamahan nila ni Cherie respectively.

Tandang-tanda ni Dina na siya ang nag-alaga noon sa anak ni Cherie na si Jamie, and in turn the latter took care of her noong nahiwalay siya kay Vic Sotto.

Para kay Dina, Cherie was her mentor who gave her pieces of advice about life and its challenges.

Totoong kaibigan naman ang turing ni Sharon kay Cherie.

Kuwento niya, lumipad daw siya patungong New York kung nasaan si Cherie.

Nais daw niyang maabutan ito.

Naikuwento ni Cherie ang tungkol sa “tree to heaven” na nasa labas ng apartment window nito na gusto sana niyang makita ng Megastar.

Sa madaling salita, may premonition na raw si Cherie who succumbed to cancer.

Barely 11 hours pagkatapos iwan ni Sharon ang nag-thumbs pang si Cherie ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid nitong si Michael de Mesa.

It was Michael who broke the sad news to her.

Sina Sharon at Michael ay magkasama sa FPJ’s Ang Probinsyano.

They became close that they shared secrets about Cherie, Michael’s younger sister. Ronnie Carrasco III