Chess, Muaythai sa TOPS Usapang Sports’

Chess, Muaythai sa TOPS Usapang Sports’

September 14, 2022 @ 2:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Usapang  chess at muaythai ang isyu sa talakayan sa pagbabalik ng face-to-face session ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Setyembre 15) ganap na 10:30 ng umaga sa Behrouz Restaurant sa 50 Scout Tobias corner Scout Fernandez, Timog, Quezon City.

Magbibigayan ng mga bagong kaganapan hinggil sa partisipasyon ng bansa sa international competition sina International Master Angelo Abundo Young at National Master at chess organizer Marlon Bernardino.

Kakatawanin ni Young, 8-time Illinois US Champion at naging bahagi ng Philippine Team na sumabak sa 2019 World Seniors Championship sa Romania, ang Nationals sa 2022 Asian Senior sa Oktubre sa New Zealand.

Ilalahad naman ng mga opisyal ng National Muaythai Kick Boxing Council of the Philippines (NMKBCP), sa pamumuno nina president/ founder Master Emmanuel “The Animal” Sabrine; director Victor Dela Riva at LABDOS director Ricarte Erese Jr. ang mga programa at torneo na lalahukan ngayong taon.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga miyembro, opisyal at sports enthusiast na makibahagi sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant.RICO NAVARRO