Chief cook isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas

Chief cook isinelda sa panghahalay sa nene sa Navotas

February 18, 2023 @ 12:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Himas-rehas ang isang chief cook matapos ireklamo ng sekswal na pang-aabuso sa 11-anyos na nene na anak ng kanyang live-in partner sa Navotas City, kahapon ng tanghali.

Nahaharap sa kasong Statutory Rape ang suspek na kinilala sa alyas “Marco”, 30, Chief Cooked at Vicente Cruz, Manila.

Sa ulat ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas City Police kay NCPS chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-11:55 ng tanghali nang maganap ang sekswal na pang-aabuso ng suspek sa biktima na itinago sa pangalang “Katrina” sa loob ng bahay sa Brgy. NBBS.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na dinilaan at ipinasok umano ng suspek ang kanyang daliri sa maselang parte ng katawan ng biktima habang hinahaplos ang dibdib ng nene.

Matapos ang insidente, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad namang humingi ng tulong sa mga tauhan ng WCPD ng Navotas police.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan Kaunlaran Police Sub-Station sa ilalim ng pangangsiwa ni PCPT Mark Joseph Carpio na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Boysan Buenaventura