Chief justice sa estate tax case ng pamilya Marcos: ‘No decision is set in stone’

Chief justice sa estate tax case ng pamilya Marcos: ‘No decision is set in stone’

October 27, 2022 @ 5:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na walangd desisyon na “written in stone” pagdating sa mga kaso na napagdesisyunan na, kabilang ang unpaid estate taxes ng pamilya Marcos na umano’y lumobo na sa P203 bilyon.

Sa isang forum, tinanong si Gesmundo ukol sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na muling buksan ang kaso upang mapag-usapan, maging ang grounds na pwedeng muling buksan ng korte ang mga kaso.

“No decision of the court was written in stone,” tugon niya.

Binanggit ni Gesmundo ang halimbawa kung saan ang kaso ay pwedeng muling buksam sa kabila ng pinal na desisyon ng Supreme Court.

“Parang kagaya sa America—may conservative, may liberal. Kapag majority conservative mahirap ka na magpa-reverse ng decision, pero kapag majority liberal napakadali nilang gawin ‘yan,” ani Gesmundo.

“May kanya-kanyang pananaw yan sa kaso, iisa yung pinag uusapan nating bagay pero iba-iba yung anggulo ang paningin ng mahistrado diyan kaya ang importante kung gaano kagaling ‘yung pagdedepensa ng position mo,” patuloy niya.

Sinabi rin ni Gesmundo na may mga naunang kaso na natukoy na “final and executory”, ang muling binuksan “simply because the [Supreme Court] determined that there was violation of due process.”

“In those instances, the Court is always guided that cases should be terminated at a certain point in time, it is called res judicata,” aniya pa.

Nilinaw niya na ito ay case-to-case basis at sinabi pa na pwedeng baguhin o baliktarin ang naunang hatol “if there are reasons so unique and the parties are filing a reconsideration or sometimes from a division to the en banc to have the case be heard.”

“What is important are the issues being brought by the parties before the SC. Is it a question of constitutional rights blatantly violated? Then we have to take a second look,” aniya.

Sa isang sit-down interview kasama siToni Gonzaga nitong Setyembre, tumugon si Marcos sa isyu, at sinabing dapat itong buksan at iginiit na ang kanyang pamilya “had no chance to answer” nang lumabas ang deisisyon.

“Now, we are all here. Open the case, and let us argue it,” pahayag niya.

Noong 1997, humatol ang Supreme Court na may utang ang pamilya Marcos sa pamahalaan na ₱23 bilyong estate taxes, na lumobo na sa ₱200 bilyon dahil sa penalties at surcharges. RNT/SA