Chikiting Bakunation rumatsada sa CAMANAVA

Chikiting Bakunation rumatsada sa CAMANAVA

May 31, 2022 @ 10:27 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines-Nagsimula nang mag-house-to-house ang mga kawani mula sa Caloocan City Health Department bilang bahagi ng Chikiting Bakunation Days: Routine and Catch-up Vaccination.

Hinihikayat ng Caloocan City Hall ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak edad 0-23 buwan partikular sa mga batang wala o hindi pa kumpleto ang bakuna. Magtungo lamang sa pinakamalapit na health center para sa impormasyon.

Umarakangkada na rin sa Malabon nitong Lunes, Mayo 30, 2022 ang Chikiting Bakunation.

Sa tala Malabon ng City Health Department, nasa 467 na batang Malabonian na may edad dalawang taong gulang pababa (0-23 months old) ang nabakunahan mula sa iba’t ibang barangay sa unang araw ng programa.

Samantala, 299 na batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang naman ang nabakunahan kontra COVID-19.

Magpapatuloy ang pagbabakuna hanggang Hunyo 10, 2022. Hinimok ng Pamhalaang Lungsod ng Malabon ang mga residente na hintayin ang mga health worker sa kanilang mga tahanan para sa door-to door vaccination ng kanilang mga anak, ngunit maaari ring magtungo sa barangay health center.

Sa Valenzuela, inanyayahan din ng Cith Hall ang mga magulang ng mga sanggol at chikiting edad 0 hanggang 23 buwan na makilahok sa Chikiting Bakunation, at makipag-ugnayan lamang sa barangay health station para sa iskedyul ng pagbabakuna.

Layunin ng Chikiting Bakunation na maprotektahan ang mga bata laban sa iba’t ibang sakit tulad ng tigdas, beke, polio, hepatitis, at iba pa. Merly Iral