Chikungunya kumakalat sa Davao City

Chikungunya kumakalat sa Davao City

June 9, 2022 @ 11:19 AM 2 weeks ago


DAVAO CITY- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) regional office ng 17 kasong suspected ng chikungunya, isang virus mula sa lamok na infected at naisalin sa tao.

Ayon kay DOH-11 director Dr. Annabelle Yumang, sa suspected cases, tatlo lamang ang kwalipikado para sa pagsusuri at ipinadala nila ang mga nakuhang specimen sa laboratory test.

Aniya, aasahan na isang linggo lalabas ang resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) .

“Waiting kami sa result the test, indicating that there are no confirmed chikungunya cases yet in the City.” dagdag pa ni Yumang./Mary Anne Sapico